Noong ika-26 ng Marso 1946,
nagpalabas si Pangulong Sergio Osmeña ng Proklamasyon Blg. 35, na
nagtatalaga ng petsang mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril bilang
Linggo ng Wika. Noong ika-23 ng Setyembre 1955, iniutos naman ni Pangulong Ramon Magsaysay sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg.
186 na ang Linggo ng Wika ay ipagdiriwang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Mayo.
Ang pagbabago ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay bilang paggunita sa
kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon,
ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa". Dahil sa paglilipat na ito
ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, naging imposible para sa mga
estudyante at guro ang makilahok dito.
Pagkatapos ng Himagsikan sa EDSA
noong 1986, inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12
ng Agosto 1988, upang pagtibayin ang pagdedeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon.
Upang higit pang pagtibayin ang mga
naunang proklamasyon hinggil sa Linggo ng Wika, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang
Pambansang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15
ng Enero, 1997.
Sa kasalukuyan, ipinagdiriwang pa
rin ang Linggo ng Wika at Buwan ng Wika sa Pilipinas. Opisyal itong nakatala sa
listahan ng mga kultural na pagdiriwang sa bansa.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.