"Ang hindi magmahal sa sariling
wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay
nagpala." Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na
si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa
buhay ng isang tao.
Ang wika ng isang bansa ay
masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay
na nagdurugtong sa mga kumunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan
ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi
ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang
impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga
mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang
bansa.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.