Manuel L. QuezonMga kababayan ko: may isang kaisipang nais
kong lagi niyong tatandaan. At ito ay: kayo ay Pilipino. Na ang Pilipinas ay
inyong bayan, at ang tanging bayan na ibinigay ng Diyos sa inyo. Na dapat niyo
itong ingatan para sa inyong mga sarili, sa inyong mga anak, at sa mga anak ng
inyong anak, hanggang sa katapusan ng mundo. Kailangan niyong mabuhay para sa
bayan, at kung kinakailangan, mamatay para sa bayan.
Dakila ang inyong
bayan. Mayroon itong dakilang nakaraan, at dakilang kinabukasan. Ang Pilipinas
ng kahapon ay naging dakila dahil sa pag-aalay ng buhay at yaman ng inyong mga
bayani, martir, at sundalo. Ang Pilipinas ng ngayon ay pinararangalan ng
taos-pusong pagmamahal ng mga pinunong di-makasarili at may lakas ng loob. Ang
Pilipinas ng bukas ay magiging bayan ng kasaganaan, ng kaligayahan, at ng
kalayaan. Isang Pilipinas na nakataas ang noo sa Kanlurang Pasipiko, tangan ang
sariling kapalaran, hawak sa kanyang kamay ang ilaw ng kalayaan at demokrasya.
Isang republika ng mga mamamayang marangal at may paninindigan na sabay-sabay
nagsisikap mapabuti ang daigdig natin ngayon.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.