Thursday, February 28, 2013

Talambuhay ng Apat na Pilipinong Manunulat


NICK JOAQUIN


Si Nicomedes Márquez Joaquín, na kinikilala ng karamihan bilang Nick Joaquin, ay isang Pilipinong manunulat, mananalaysay ng kasaysayan at mamamahayag at kilala sa pagsusulat ng mga maikling kuwento at nobela sa wikang Inggles pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil sa maraming karanasan noong panahon ng digmaan, ang paksa ng kanyang mga tula ay iba-iba ukol sa makatotohanan at buhay na buhay kaya malapit sa karanasan ng mga mambabasa. Kinikilala rin siyang Quijano de Manila bilang pangalang-panulat. Siya ay ipinalalagay na isang higante sa larangan ng pagsusulat. Ang wika ng kanyang panulat ay malambing at masining.

TALAMBUHAY

Isinilang si Joaquin sa Paco, Maynila. Siya ay anak ni Leocadio Joaquín, isang abugado at koronel sa Himagsikang Pilipino at Salome Marquez. Hindi nagtapos ng mataas na paaralan at naghahanapbuhay nang di karaniwan sa may baybayin ng Maynila sa kung saan man. Tinuruan sa sarili sa pamamagitan ng malawakang pagbabasa sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas at sa aklatan ng kanyang ama kung saan lumawak ang kanyang hilig sa pagsusulat. Unang inilathala ang likha ni Joaquin sa bahaging pampanitikan ng Tribune, isang pahayagang bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa ilalim ni Serafin Lanot, isang manunulat at patnugot.
Pagkatapos ng pagkapanalo sa pangmalawakang-bansang paligsahan ng pagsusulat ng sanaysay sa La Naval de Manila na pinamahala ng Dominikano, iginawad ng Pamantasan ng Santo Tomas si Joaquin ng pandangal na Kolega sa Sining (A. A.) at pagpapaaral sa Kolehiyo ng St. Albert, ang monasteryong Dominikano sa Hong Kong. Gayumpaman, hindi niya itinuloy pagkatapos ng halos isang taon. Pagkauwi niya sa Pilipinas, sumanid siya sa Philippines Free Press, nagsimula bilang manunuri sa pagbabasa. Sa katagalan, nakilala siya ukol sa kanyang mga tula, kuwento at dulaan, ganundin ang kanyang pamamahayag sa ilalim ng kanyang panulat na pangalang Quijano de Manila. Ang kanyang pamamahayag sa pagsusulat ay nakatatak nang pangkatalinuhan at mapang-akit, isang di-nakikilalang uri sa Pilipinas sa panahong iyon, inaangat ang antas ng pagbabalita sa bansa.
Naglingkod si Joaquin bilang kasapi ng Lupon ng mga Tagapuna para sa mga Gumagalaw na Larawan sa ilalim ng Pangulong Diosdado Macapagal at Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ayon kay Marra PL. Lanot, isang manunulat, hindi ginagalaw si Joaquin ng kamay na bakal ni Marcos. Ang unang hakbang ni Joaquin bilang Pambansang Alagad ng Sining ay maging panatag sa pagpapalaya ng nakulong na manunulat na si Jose F. Lacaba. Sa isang seremonya sa Bundok Makiling na pinangunahan ng Unang Ginang Imelda Marcos, nagpahayag si Joaquin sa panawagan ng Mariang Makiling, isang alamat na dalaga ng bundok. Nadama niya ang kahalagaan ng kalayaan at ang artista. Bilang bunga, hindi na siya inanyayaahan na magpahayag ng anumang mga mahahalagang kaganapang pangkultura.
Sumakabilang-buhay si Joaquin dahil sa atake sa puso sa umaga ng Abril 29, 2004 sa kanyang tahanan ng San Juan, Kalakhang Maynila. Sa kapanahunan ng kanyang kamatayan, siya ay patnugot ng magasing Philippine Graphic at tagalathala ng pahayagang Mirror Weekly, isang magasing pangkababaihan. Sumulat din siya ng mga lathalaing Small Beer para sa Philippine Daily Inquirer at Isyu, isang tabloyd na pang-opinyon.

Ang kanyang mga aklat

  • Prose and Poems (Mga Tuluyan at Patula) (1952)
  • The Woman Who had Two Navels (Ang Babae na may Dalawang Pusod) (1961)
  • La Naval de Manila and Other Essays (La Naval de Manila at Iba pang Sanaysay) (1964)
  • A Portrait of the Artist as Filipino (Ang Larawan ng Makata bilang Pilipino) (1966)
  • Tropical Gothic (Gotikong Tropikal) (1972)
  • The Complete Poems and Plays of Jose Rizal (Ang mga Kumpletong Tula at Dulaan ni Jose Rizal) (1976)
  • A Question of Heroes (Isang Tanong ng mga Bayani) (1977)
  • Nora Aunor & Other Profiles (Si Nora Aunor & Iba pang Katangian) (1977)
  • Ronnie Poe & Other Silhouettes (Ronnie Poe & Iba pang Aninag ng Bagay (1977)
  • Reportage on Lovers (Pagbabalita sa Pag-ibig) (1977)
  • Reportage on Crime (Pagbabalita sa Krimen) (1977)
  • Amalia Fuentes & Other Etchings (Si Amalia Fuentes & Iba pang Pag-uukit sa Bakal) (1977)
  • Gloria Diaz & Other Delineations (Si Gloria Diaz & Iba pang Delinasyon) (1977)
  • Doveglion & Other Cameos (Si Doveglion & Iba pang mga Kameo) (1977)
  • Manila: Sin City and Other Chronicles (Maynila: Makasalanang Lungsod at Iba pang Kronika (1977)
  • Tropical Baroque (Tropikal na Baroque) (1979),
  • Stories for Groovy Kids (Mga Kuwento para sa mga Batang Kasiya-siya) (1979)
  • Language of the Street and Other Essays (Ang Wika ng mga Kalsada at Iba pang mga Sanaysay) (1980)
  • The Ballad of the Five Battles (Ang Kurido ng mga Limang Labanan) (1981)
  • The Aquinos of Tarlac: An Essay on History as Three Generations (Ang mga Aquino sa Tarlak: Isang Sanaysay sa Kasaysayan bilang Tatlong Salinlahi) (1983)
  • Almanac for Manileños (Almanak para sa mga Taga-Maynila)
  • Cave and Shadows (Ang Yungib at mga Anino) (1983)
  • The Quartet of the Tiger Moon: Scenes from the People Power Apocalypse (Ang Apatang Pangkat ng Tigreng Buwan: Mga Tagpo ng Apokalipsis ng Lakas Sambayanan) (1986) 
  • Collected Verse (Nilikom na Panulaan (1987)  
 BIENVENIDO LUMBERA

 

















Si Bienvenido Lumbera ay isang makata, tagapuna, dramatista, at iskolar ng Pilipinas na may maraming napanalunan. Siya ay Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas at nakatanggap ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Pamamahayag, Panitikan at Malikhaing Komunikasyon. Nanalo siya ng maraming gawad pampanitikan, kabilang ang mga Pambansang Gawad sa Aklat mula sa Pambansang Pundasyon sa Aklat, at ang Gawad Pang-alaala kay Don Carlos Palanca para sa Panitikan.

 

Talambuhay


Isinilang si Lumbera sa Lipa noong Abril 11, 1932. Noong halos isang taon gulang pa lamang, ang kanyang ama na si Timoteo Lumbera (isang tagapukol ng lokal na kuponan ng beysbol), ay nahulog mula sa puno, nabali ang likod, at nabuhay. Pagkatapos ng ilang taon, nagkasakit ang kanyang ina na si Carmen Lumbera sa karamdaman na kanser at namatay. Sa taong limang taong gulang, siya ay naulila. Siya at ang kanyang nakatatandang kapatid na babae ay inampon ng kanilang pang-amang lola, Eusebia Teru.

Pumasok siya sa paaralan na may pagkabantulot. Sa unang araw, kinakailangan ni Eusebia na hilahin siya papuntang Mababang Paaralan ng Padre Valerio Malabanan, nagwawasiwas ng sangay ng puno. Sa totoo lamang, ang kabuuang unang taon ni Lumbera sa paaralan ay kalunus-lunos. Naalala niya ang kanyang guro, Gng. Contreras, na minsan pinapalo siya na may patpat nang dahil sa may inuulat na kanyang kapilyuhan sa guro mula sa tiyak na tuta ng guro na may pangalang Angel. Simula sa ikalawang baitang, gayumpaman, ang kanyang mabilis na pagtuto sa pagbabasa ay nabigyan ng kakilanlan kay Lumbera bilang kinikilingang mag-aaral. Mula't sapul, sinasabi nang pang-akademika, hinaharap ng paaralan ng ilang kahirapan.

Pagkatapos ng digmaan, bumalik sina Lumbera at ang kanyang lola sa tahanan sa Lipa. Si Eusebia, gayumpaman, ay kinabukasang sumakabilang-buhay dahil sa katandaan at naulila na naman siya. Para sa kanyang mga bagong tagapangalaga, pinagpipili siya sa mga dalagang tiyahin kung saan kinakailangan ng kanyang nakatatandang kapatid na tumira kina Enrique at Amanda Lumbera, ang kanyang nino't ninang. Sa huli ay wala silang anak na sarili at sinasabi ni Bienvenido, noong labing-apat na taong gulang pa lamang siya, na pinili niya sila sapagka't "ipapadala nila ako sa paaralan."

Para sa mataas na paaralan, lumipat si Lumbera sa paaralang pribado ng Akademiyang Mabini, kung saan umusbong ang kanyang pag-ibig sa wika. Nagtapos si Lumbera nag pangatlo at nagtalumpati ng mabulaklak na Klase sa Kasaysayan sa araw ng pagtatapos.

Nagtapos si Lumbera ng dalubhasaang pamamahayag at Pantas ng Sining mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1950, at kasunod ang Paham ng Pilosopiya sa Panularang Panitikan sa Pamantasang Indiana noong 1967. Nagturo si Lumbera ng Panitikan, Araling Pilipino at Malikhaing Pagsusulat sa Pamantasang Ateneo de Manila, Pamantasang De La Salle-Maynila, Pamantasan ng Pilipinas, at ang Pamantasan ng Santo Tomas. Inatasan siya bilang panauhing-propesor ng Araling Pilipino sa Araling Panlabas ng Pamantasang Osaka sa Hapon mula 1985 hanggang 1988 at kauna-unahang nagtatahang iskolar sa Pamantasan ng Hawaii sa Manoa.

Tula


  • Likhang Dila, Likhang Diwa, 1993

Punang pampanitikan


  • Muling Pagsusuri: Mga Sanaysay sa Panitikan, Pelikula, at Kulturang Popular, 1984
  • Mga Tulang Tagalog, 1570-1898: Tradisyon at mga Impluwensiya sa Kaunlaran, 1986
  • Abot-Tanaw: Sulyap at Suri sa Nagbabagong Kultura at Lipunan, 1987

Mga aklat-batayan


  • Paghahanda sa Pagtuturo
  • Panitikan ng Pilipinas: Isang Kasaysayan at Antolohiya
  • Muling Pagtutuklas: Mga Sanaysay sa Buhay at Kulturang Pilipino
  • Pagsusulat ng mga Pilipino: Panitikang Pilipino mula sa mga Rehiyon
  • Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo

Mga libreto


  • Kuwento ng Manuvu
  • Rama, Hari
  • Nasa Puso ang Amerika
  • Bayani
  • Noli Me Tangere
  • Hibik at Himagsik Nina Victoria aktaw



LOPE K. SANTOS


 

















Si Lope K. Santos (Setyembre 25, 1879Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon.[1] Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.


Talambuhay




Sa Larangan ng Panitikan


Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang maipakita ang pagiging makabayan. Nakamit niya ang pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula sa Colegio Filipino (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa. [4] Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.

Sariling buhay


Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong ika-10 ng Pebrero, 1900, at nagkaroon sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.[4]

Sa larangan ng pulitika


Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.[4]

Mga gawa


Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod:



 FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR





















 Si Francisco Baltazar (Abril 2, 1788Pebrero 20, 1862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunula. Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra.


Talambuhay



Unang mga taon

Si Francisco Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Pumasok siya una sa paaralang parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Sunod, naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre Mariano Pilapil

Buhay Bilang Isang Manunulat

Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula dahil kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay nagsilbing hamon kay Kiko para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit na dinakila si Kikong sa larangan na panulaan.
Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Capule sa pagligaw kay Celia, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Celia, ipinakulong siya ni Nanong Capule para hindi na siya muling makita ni Celia. Habang nasa kulungan siya, ipinakasal ni Nanong Capule si Selya kahit walang pag-ibig nadarama si Selya para kay Nanong Capule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura para kay Selya. Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na siya sa Udyong, Bataan. Doon, nagkaroon siya ng 11 anak kay Juana Tiambeng.

Huling Mga Araw

Nabilanggong muli si Kiko sa sumbong ng isang katulong na babae sa di umano'y pagputol ng buhok niya. Nakalaya siya noong 1860. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at ang 7 niyang anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74, namatay siya sa pulmonya at katandaan.

Ang kanyang mga sinulat


  • Almanzor y Rosalina
  • Clara Belmori
  • Abdol y Miserena
  • Auredato y Astrone
  • Bayaseto at Dorsalica
  • Rodolfo at Rosamunda
  • Florante at Laura
  • Nudo Gordiano
  • Sa Pula sa Puti

 References from: wikipedia.org and other sites.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.