ANG
ALAMAT NG PINYA
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pina. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.
ANG ALAMAT NG SAGING
Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.
Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao.
Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.
Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.
"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.
Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.
ALAMAT NG WALING-WALING
Noong unang
panahon sa isang kahariang matatagpuan sa may dagat ng Mindanao,
may isang makisig at matapang na sultang nagngangalang Rajah Solaiman. Dahil sa
kaniyang galing at tapang sa digmaan siya’y nakilala bilang isang kilabot sa
iba’t ibang kaharian. Pinaniniwalaang nasa kaniyang pag-aari ang isang
mahiwagang sundang, ang Sundang Lenantatyon. Ibinigay ito kay Solaiman ni
Bal-Lido, ang diyosa ng digmaan.
Ipinagkaloob ito
sa kaniya dahil sa mahusay niyang taktika sa pakikipagdigma. Malaki ang
pasasalamat sa kaniya ng mga taga-Mindanao dahil sa patuloy na pagtatanggol ng
Rajah. Isa sa mga digmaang kinasangkutan ng Rajah ang digmaan sa Seta Tem-mon.
Nagwagi siya sa
labanang ito, subalit iyon lamang ay naging posible sa tulong ni Bal-Lido. Sa
labanang ito siya niregaluhn ng sundang. Subalit bago pa man ito napasakaniya,
dumaan muna siya sa isang pagsubok.
“Kunin mo ang
itak,” sabi ni Bal-Lido. Sa pagtingala ni Solaiman nakita niya ang isang
lumulutang na itak. “Gamitin mo iyan at putulin mo ang iyong kaliwang braso,”
Di nagdalawang-isip si Solaiman, sa utos ng diyosa ay kinuha niya ang espada at
iniakmang puputulin ang kaniyang sariling braso. Sa pagtama ng itak sa kaniyang
braso nagulat na lamang siya nang mapansing walang dugong dumanak ni balat
na napilas mula sa kaniyang katawan.
“Mula sa puntong
ito Solaiman, hindi ka na magagalaw ng kahit anong sandata
pa man.” Sabi ni Bal-Lido. “Ikaw ay papanaw lamang sa aking utos, sa oras na iyon siguraduin mong isusuko mo ang ibinigay kong sundang sa lugar na ito. Kung hindi ka makararating, siguraduhin mong may isang taong mapagkakatiwalaang magbabalik ng sundang sa akin.”
pa man.” Sabi ni Bal-Lido. “Ikaw ay papanaw lamang sa aking utos, sa oras na iyon siguraduin mong isusuko mo ang ibinigay kong sundang sa lugar na ito. Kung hindi ka makararating, siguraduhin mong may isang taong mapagkakatiwalaang magbabalik ng sundang sa akin.”
Kung gaano
kabagsik si Solaiman sa digmaan, ganoon rin siya kabagsik sa
pag-ibig. Dahil sa ganitong katangian, kinamumuhian at kinatatakutan siya
hindi lamang ng kaniyang mga kaaway kung hindi pati na rin ng kaniyang mga
tagasunod. Sa mga kalye pa lamang, rinig na ang mga bulungan ng mga tao.
Umaalingawngaw ang mga babala sa lahat ng sulok ng kaharian, “Itago ang
asawa’t mga anak na babae dahil si Solaiman ay paparating.”
Nag-uumapaw na ang
mga babae sa harem niya subalit, hindi pa rin siya tumitigil
sa pangungulekta nito. Para sa isang maharlikang tulad niya, walang dalang
bigat ang nag-uumapaw na babae sa kaniyang buhay. Kung may isang aalis,
may tatlong darating, kung gaano siya kahusay sa paggamit ng kaniyang
sundang, tila mas matalim ang kaniyang mga salita pagdating sa pag-ibig.
Sa dulo ng
kaniyang kaharian, may naninirahang isang mangingisda. Kasama nito
ang kaniyang anak na babae sa bahay na siyang nag-aalaga sa kaniya.
Isang tapat na
tagapaglingkod ang mangingisdang ito kay Rajah Solaiman. Subalit, dahil sa
pag-aalala sa posibleng kahinatnan ng kaniyang anak, itinago niya ito sa gitna
ng gubat. Umaasang walang mga matang makatatanaw sa kaniyang anak, lalo pa
ang mga mata ni Rajah Solaiman. Alam niyang hinding- hindi siya
makatatanggi sa kung ano mang sabihin ng kaniyang Rajah.
Tumira si
Waling-Waling sa itaas ng isang punong lauan. Napaliligiran ito ng
mga ilang-ilang at ilang halamang gubat. Walang nakaaalam ng paraan upang
makaakyat dito kung hindi ang mapag-arugang mangingisda lamang. Pati ang
mga pagbisita niya ay planadong-planado. Sa umaga, siya’y nagdadala ng
pagkain at sa gabi nama’y sinisiguradong ligtas at maayos ang kaniyang
anak.
Isang di
pangkaraniwang kagandahan nga talaga itong si Waling-Waling. Singkinis ng
sutla ang kaniyang balat, singdilim ng uling ang buhok, ang kaniyang mga pisngi
ay parang dinampian ng rosas, mga matang sintingkad ng mga alitaptap sa
gitna ng dilim, at ang kaniyang mga pilik mata’y tila mga alon sa
pagkakurbada. Madali sana
para sa dalaga ang ipakasal sa kahit na sino kung isa lamang siyang
dugong-maharlika. Subalit, nagiging mahirap ang lahat dahil isa lamang
siyang pangkaraniwang mamamayan.
Isang araw habang
nangangaso si Solaiman sa gubat, napansin niyang may isang tirahan sa
itaas ng mga puno. Sa gitna ng mga puno, nasulyapan niya ang bahay
ni Waling-Waling. Sa kaniyang paglingon nakita nito ang isang kakaibang
kagandahang noon pa lamang niya nakita.
Napasigaw si Rajah
Solaiman, “Sino ang ama mo? Sigurado akong itinatago ka
lamang niya sa akin!” Hindi sumagot sa Waling-Waling sa takot na baka kung anong gawin ng Rajah sa kaniyang ama.
lamang niya sa akin!” Hindi sumagot sa Waling-Waling sa takot na baka kung anong gawin ng Rajah sa kaniyang ama.
Sa kaniyang
pagtulog, nanaginip ang mangingisda ng mga karimarimarim na ideya. Nang
magising ito mula sa masasamang panaginip, kumaripas siya ng takbo
upang tunguhin ang tirahan ni Waling-Waling sa gubat. Laking gulat niya
nang maabutan niya ang isang nagngingitngit na Rajah.
“Paano mo nagawang
itago sa akin ang isang nilalang na singganda ng iyong anak? Sabihin mo sa
kaniyang bumaba upang makita ko siya ng mas maayos.” Utos ng Rajah
sa mangingisda. “Gawin mo ito kung ayaw mong mahati ng aking sundang.”
Sa utos ng
kaniyang ama, bumaba naman si Waling-Waling. Nang umabot siya sa kalahati
ng puno, nadampian siya ng ilaw mula sa buwan na lalong nagbigay liwanag
sa kaniyang ganda. “Hindi kita papatayin,” sabi ni Solaiman sa
mangingisda, “subalit, nais ko sanang pakasalan ang iyong anak.
Ipinapangako kong pakakawalan lahat ng babae sa aking harem at siya ang
gagawin kong asa…”
Bago pa man
tuluyang matapos ni Solaiman ang kaniyang sasabihin at bago pa
man makababa si Waling-Waling, nanigas ang katawan ng Rajah at ng mangingisda.
man makababa si Waling-Waling, nanigas ang katawan ng Rajah at ng mangingisda.
Isang liwanag ang
bumalot sa buong gubat. Nakita nila ang isang imahen na papaliit nang
papaliit. Ang dating katawan ni Waling-Waling ay tila sumabit sa mga sanga
ng puno. Habang paunti-unting nawala ang liwanag tila naging mas malinaw
sa dalawa ang imahen ng isang bulaklak. Isang bulaklak na may lila’t
pulang batik sa kaniyang mga talulot.
Hindi sila
makapaniwala sa kanilang nasaksihan subalit, walang nagawa si Solaiman at
ang mangingisda. Pagbalik sa palasyo, inatasan niya ang mga kawal niya na
kumuha ng bulaklak ng Waling-Waling sa gubat at ipalamuti ito sa mga puno
sa harapan ng palasyo.
Isang pag-alaala sa mga pag-ibig na sana’y maabot
na niya.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.