Sunday, June 9, 2013

Ang Life Cycle ng Ladybug



Ang life cycle ng isang ladybug ay hindi mayadong magkalayo sa life cycle ng isang paruparo. Ang isang ladybug ay dumadaaan din sa apat na yugto kagaya sa buhay ng isang paruparo; egg stage, larvae stage, pupa stage, at ang adult ladybug stage. Alam natin ang anyo ng isang adult ladybug ngunit di nating makikilala hanggang umabot ito sa huling yugto ng kanyang life cyle.
 Egg Stage
Ang isang babaeng ladybug ay nangingitlog sa ilalim na parte ng dahon. Sa pamamagitan nito, hindi makikita ng mga lumilipad na mga insektong kumakain ng itlog at proteksyon na rin sa masamang panahon. Ang isang inang ladybug ay nangingitlog ng mahigit kumulang na sampu hanggang labing-limang itlog sa isang lugar at inilalagay niya ito sa lugar na maraming pagkain upang di magutom ang kanyang mga anak na anyong larvae pagkatapos nitong mapisa. Ang itlog ng ladybug ay kulay dilaw na parang maliliit jelly beans.
Larvae Stage

Kapag ang itlog ay napisa, ang larvae ay lalabas at maghahanap ng pagkain gaya ng maliliit na anay at aphids. Ang bagong silang na mga larvae ay kawangis ng maliliit na buwaya. Pagkatapos lamang ng ilang araw, ang larvae ay lalaki at simulang magpalit ng balat. Ang prosesong ito ay tatagal hanggang sila ay lumalaki.



Pupa Stage

Pagkatapos ng dalawang linggo ng paglaki, ang larvae ay mag-uumpisang magpalit ng anyo na kamukha ng isang hipon. Maghahanap ito ng dahon at animoy matutulog ng ilang araw, ngunit hindi talaga ito natutulog. Sa pagkakataong ito ang larvae ay sumasailalim sa pagpapalit anyo o metamorphosis hanggang sa ito ay maging adult ladybug.

Adult Ladybug Stage

Kapag ang pagpapalit-anyo o metamorphosis ay natapos, ang balat ng larvae ay mahahati at lalabas ang adult ladybug. Magmumukha itong malambot at kulay pink o maputla na ilang oras hanggang sa ang shell nito ay magiging matigas. Habang ang shell nito ay tumitigas nagkakaroon din ito ng pigment na kung saan nagkakaroon ito ng matingkad na kulay pula.